Hindi pupuwersahin ng pamahalaan ang mga Overseas Filipino Workers na tatangging umuwi ng Pilipinas sa kabila ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na total deployment ban sa bansang Kuwait.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, na base sa pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello, iginagalang ng pamahalaan ang desisyon ng mga OFW na nais manatili sa Kuwait dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.
Ayon kay Andanar, layon lamang ng ibinabang direktiba ni Pang. Duterte na maprotektahan ang mga OFW mula sa mga mapang-abusong employer sa naturang bansa.
Una na aniyang binanatan ng Pangulo ang Kuwait dahil sa tila hindi nito binigyang halaga ang mga tulong na naibigay ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa noong bumabangon pa lamang sila matapos salakayin ni dating Iraqi President Saddam Hussein.
Posted by: Robert Eugenio