Pinalaya ng rebeldeng grupong Boko Haram ang 13 bihag nito sa gobyerno ng Nigeria.
Ayon sa pamahalaan ng Nigeria ang naturang mga bihag ay dinukot noong nakaraang taon sa hilaga-silangang bahagi ng nasabing bansa.
Kabilang umano dito ang sampung babae na kanilang nakuha sa pag-atake sa isang police convoy at tatlong lecturers mula naman sa Maiduguri habang nasa oil exploration trip ang mga ito.
Batay sa impormasyon naging tagapamagitan ang Red Cross sa nasabing pagpapalaya sa mga bihag ng Boko Haram.
Hindi naman idinetalye pa ang naganap na negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at nasabing rebeldeng grupo.
Posted by: Robert Eugenio