Umaaray ang mga resort owner sa Boracay kasunod ng naging banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang isla bunsod ng environmental issues nito.
Inihayag sa DWIZ ni Neneth Graff na wala silang kasalanan sa pagdumi ng isla kaya’t nagtataka sila kung bakit nadamay sila sa pahayag ng Pangulo.
Magugunitang intasan ng Pangulo sina DENR Secretary Roy Cimatu at Tourism Secretary Wanda Teo na ayusin at linisin ang isla sa loob ng anim na buwan sabay pagbabantang ipasasara ang naturang isla kung hindi iyon matutupad.
Pero ayon sa DOT o Department of Tourism, sapat na ang anim na buwan para masolusyunan ang problema sa isla ng Boracay.
Ayon kay Atty. Helen Catalbas, Director ng DOT Region 6, maaayos lamang ang problema sa isla kung susunod lamang ang mga may-ari ng istruktura sa umiiral na environmental laws.
Tila hindi aniya batid ng Pangulo ang tunay na sitwasyon sa isla kung saan umaasa ang may halos 100,000 residente ruon para sa kanilang ikabubuhay.
Posted by: Robert Eugenio