Nakatakdang ipatawag ng Senate Committee on Games and Amusement ang umano’y gambling lord na si Bong Pineda sa susunod na pagdinig nito.
Ito’y ayon kay Senador Panfilo Lacson na siyang chairman ng komite ay dahil sa maraming dapat ipaliwanag si Pineda hinggil sa operasyon ng iligal na sugal na Jueteng na sinasabing front umano ng STL o Small Town Lottery.
Magugunitang hiniling ni PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office Board Member at DWIZ Anchor Sandra Cam sa pagdinig ng Senado kahapon na ipatawag si Pineda dahil sa pagpapatupad umano nito ng bookies operation ng STL sa mga lugar na kaniyang hinahawakan.
Kasabay nito, lumutang din sa pagdinig kahapon na may nakikinabang umanong PCSO Director sa operasyon ng iligal na sugal sa tuwing bibisita ito sa regional office ng PCSO sa Camarines Sur.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio