Umalma ang grupong BAYANMUNA sa pagharang ng Court of Appeals sa suspension order na ipinataw ng Ombudsman laban sa apat na commissioner ng ERC o Energy Regulatory Board.
Ayon kay BAYANMUNA Partylist Rep. Carlos Zarate, malinaw na panghihimasok sa kapangyarihan ng Ombudsman gayundin sa Office of the President bilang independent body ang naging desisyon ng Appelate Court.
Duda rin ang mambabatas sa naging hakbang na iyon ng C.A. dahil sa nakasaad sa batas na hindi maaaring harangin ng isang apela ang alinmang desisyon ng Tanodbayan na aniya’y executory o dapat na maipatupad agad.
Magugunitang naglabas ng 60 araw na TRO o Temporary Restraining Order ang Appelate Court para pigilan ang isang taong suspensyon laban kina ERC Commissioners Alfredo Non, Gloria Yap – Taruc, Josefina Asirit at Geronimo Sta. Ana.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio