Magkakaloob ng tulong pinansyal ang gubyerno para sa mga manggagawang Pilipinong babalik sa bansa mula sa Kuwait.
Ito’y makaraang magpatupad ng deployment ban ang Pilipinas sa naturang bansa dahil sa sunud – sunod na kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipino sa nasabing bansa.
Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, makatatanggap ang mga uuwing OFW ng aabot sa 25,000 Piso bilang tulong pinansyal at pangkabuhayan.
Tutulong din aniya ang gubyerno sa paghahanap ng bagong trabaho sa mga uuwing OFW sa mga bansang Oman at Bahrain na kapwa signatories ng International Labour Organization.
Maliban dito, isinasapinal din ang posibilidad na magkaroon ng deployment ng mga Pilipino sa China bilang alternatibong destinasyon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio