Suportado ng Western Command o WesCom ng Armed Forces of the Philippines ang planong pagdalaw ng mga kabataan sa Kalayaan, Palawan na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ginawa ni WesCom Vice Admiral Alexander Lopez ang pahayag bunsod ng plano ng Kalayaan Atin Ito Movement! O KAIM na magsagawa ng isang buwang patriotic voyage sa rehiyon kasama ang ilang youth group.
Ayon kay Lopez, welcome sa kanila ang anumang adbokasiya na naglalayong magkaroon ng awareness o kamalayan ukol sa pinag-aagawang teritoryo.
Gayunman, nilinaw ni Lopez na dapat makipag-uganayan nang maayos sa AFP ang grupo upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito sa kanilang pagbisita sa naturang lugar.
By: Jelbert Perdez