Nangangailangan ang China ng isandaang libong (100,000) English teachers.
Ito ang nakikitang alternatibong trabaho ng Department of Labor and Employment o DOLE para sa mga iuuwing Pinoy mula sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga English teacher sa China ay maaaring kumita ng isanlibo’t limandaang (1,500) dolyar o pitumpu’t walong libong piso (P78,000) kada buwan.
Maliban dito, sinabi ni Bello na nangangailangan din ang China ng mga kasambahay na kayang magsalita sa wikang Ingles.
—-