Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na may sapat na pagkain para sa mga maapektuhan ng bagyong Basyang.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, siniguro sa kanila ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may naka-preposition nang pagkain, gamit at pondo sa Visayas at Mindanao na magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mga maapektuhang residente.
Maliban dito, naglabas na rin ang Office of Civil Defense ng listahan ng mga barangay na mataas ang tiyansa ng pagbaha at landslide.
Kasalukuyang naka-red alert ang NDRRMC para sa bagyong Basyang.
—-