Mahigpit na ang paghahanda ng lalawigan ng Biliran dahil sa paghagupit ng bagyong Basyang sa Eastern Visayas.
Pinakilos ni Biliran Governor Gerry Espina ang mga opisyal ng mga munisipyo at barangay para ihanda na ang generators at magkasa ng preemptive evacuation kung kinakailangan.
Ilang residente na mula sa landslide prone area ang kusa nang nag-evacuate para makaiwas na sa aksidente.
Nakahanda na rin ang tulong ng provincial government para sa mga maaapektuhan ng bagyong Basyang.
Magugunitang limampu (50) ang nasawi sa probinsya ng Biliran sa pagtama noon ng bagyong Urduja.
—-