Nag-aalangan si Pangulong Rodrigo Duterte kung itutuloy pa nito ang kaniyang nakatakda sanang pagbisita sa bansang Kuwait.
Ito’y matapos makarating sa Pangulo ang mga kaso ng pang-aabuso at pagpatay ng mga OFW o Overseas Filipino Workers sa kamay ng kanilang mga employer sa naturang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naghihintay pa rin sila ng tugon mula sa Kuwaiti Government para bigyang katarungan ang sinapit ng mga kababayang Pinoy duon.
Giit ng kalihim, obligasyon ng Kuwait na aksyunan ang mga kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa kanilang bansa dahil duon aniya nangyari ang mga karumal-dumal na krimen.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio