Limampu’t siyam (59) na porsyento ng mga Filipino ang mas pinili ang career kaysa love life, batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS, noong huling quarter ng taong 2017.
Apatnapu’t isang (41) porsyento naman ng 1,200 respondents ang mas pinili ang love life kaysa career.
Mas masaya naman sa kani-kanilang buhay pag-ibig ang mga lalaking nasa edad 18 hanggang 34 kumpara sa mga babaeng nasa parehong edad.
Sa survey mula December 8 hanggang 16, mas masaya ang mga lalaki na 63 percent sa kanilang buhay pag-ibig, kumpara sa mga babae na 50 percent.
Posted by: Robert Eugenio