Sisimulan na ng Pilipinas at China ang negosasyon para sa code of conduct in the South China Sea sa susunod na buwan sa gitna ng territorial dispute ng dalawang bansa sa Spratly Islands.
Nagkasundo rin ang dalawang bansa na pigilan ang pagsasagawa ng anumang aktibidad sa West Philippine Sea na magpapalala sa territorial dispute sa rehiyon.
Ito’y sa gitna ng mga ulat na ipinagpapatuloy ng tsina ang militarisasyon at reklamasyon sa pinag-aagawang karagatan.
Iginiit din ng magkabilang-panig ang kanilang commitment sa epektibong implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
Posted by: Robert Eugenio