Kinundena ng Kuwait ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilikas ang mga mangagagawang Filipino mula sa naturang bansa.
Ayon kay Kuwaiti Foreign Minister Sheikh Sabah Al-Khalid Al-Sabah, nanganganib na magka-lamat ang ugnayan ng dalawang bansa.
Hindi naman anya lahat ng Filipino sa Kuwait ay inaabuso at sa katunayan ay mahigit 170,000 Pinoy ang tahimik na naninirahan sa kanilang bansa.
Aminado si Sabah na nabigla sila sa kautusan ni Pangulong Duterte kinondena ang mga pahayag nito laban sa Kuwait gayong ipinapaliwanag naman nila sa gobyerno ng Pilipinas ang sitwasyon ng mga OFW sa nabanggit na Gulf State.
Posted by: Robert Eugenio