Kasalukuyang iniimbestigahan na ng tanggapan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sina Pangulong Benigno Aquino III at Budget Secretary Florencio Butch Abad.
Ito ay kaugnay sa pagpapatupad ng Palasyo ng Disbursement Acceleration Program o DAP na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.
Ayon kay Morales, kanya nang pinag-aaralan ang investigation report na binuo ng mga field investigators na naka-assign sa kaso.
Matatandaang batay sa dissenting opinion ni Associate Justice Antonio Carpio, sinabi nitong dahil sina Pangulong Aquino at Abad ang nag-apruba at nag-isyu ng DAP.
Ang mga ito aniya ang kinukunsiderang may-akda ng naturang unconstitutional act.
By Ralph Obina