Tila nagbago ang tono ni House Speaker Pantaleon Alvarez hinggil sa kanilang timetable para sa Chacha o Charter Change para isulong ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungo sa Pederalismo.
Ayon sa House Speaker, mayruon silang hanggang sa susunod na taon para tapusin ang talakayan hinggil sa Chacha sa halip na isabay ang plebesito para rito sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo.
Kasunod nito, inatasan ni Alvarez ang Committee on Constitutional Amendments ng Kamara na huwag na munang i-terminate ang kanilang pagdinig hinggil sa naturang panukala.
Sa halip, sinabi ng House Speaker na hintayin na muna ang magiging rekumendasyon mula sa buong Concom o Constitutional Commission ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito isama sa panukala ng Kamara.
Posted by: Robert Eugenio