Hinikayat ni Senador Nancy Binay ang Department of Environment and Natural Resources o DENR maging ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na bumuo ng isang Citizen’s Team.
Ito’y ayon sa Senadora ay para maging katuwang ng pamahalaan sa pagbabantay at pangangalaga sa isla ng Boracay dahil sa mga ulat na nasasalaula at tila napapabayaan na ito.
Magiging bahagi aniya ng bubuoing team ang mga NGO o Non-government Organization, Civic Group maging ng mga marine scientist at iba pang stakeholders sa isla.
Magugunitang nagbanta mismo si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasara ang isla kung hindi mareresolba ang problemang pangkalikasan ng Boracay na isa sa mga pinaka-dinarayong isla ng Pilipinas.
Posted by: Robert Eugenio