Kinondena ng pamahalaan ng Kuwait ang pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga OFW’s o Overseas Filipino Workers na nakararanas ng mga pangmamaltrato at pang-aabuso sa kanilang mga employer.
Ayon kay Sheikh Sabah Khaled Al-Sabah, ang Minister of Foreign Affairs ng Kuwait, posibleng makasira sa relasyon ng dalawang bansa ang naging pahayag ng Pangulo lalo’t hindi naman nila kababayan ang mga nasasangkot sa krimen.
Magugunitang nagbanta ang Pangulo na puputulin nito ang ugnayan ng Pilipinas sa Kuwait kung magpapatuloy aniya ang pagmamaltrato at pang-aabuso ng kanilang mga kababayan laban sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa kanilang pulong balitaan ni US Secretary of State Rex Tillerson na bumisita sa nasabing bansa.
Giit ni Al-Sabah, ipinaliliwanag naman nila sa Pangulo ang kundisyon at kung paano nila pinoprotektahan ang mga manggagawang Pinoy na nagtatrbahao sa kanilang bansa.
Posted by: Robert Eugenio