Puspusan na ang preparasyon ng mga Tsinoy ngayong bisperas ng Lunar New Year bilang hudyat ng pagpasok ng pagtatapos ng Year of the Fire Rooster at pagpasok naman ng Year of the Earth Dog.
Kabilang sa tinututukan ng National Capital Region Police Office ang Binondo, Maynila partikular sa Ongpin Street na inaasahang daragsain ng mga magdiriwang ng Chinese New Year, bukas.
Patok naman sa mga mamimili ang tradisyunal na mga Chinese Food na karaniwang inihahanda tuwing Lunar New Year na Tikoy o Nian Gao.
Mabenta rin ang mga lucky charm gaya ng mga dog figurine at iba pang Chinese zodiac figurines, Ba-Goa at iba pang Feng Shui amulet.
Samantala, milyun-milyong Tsino rin sa iba’t ibang panig ng mundo ang magdiriwang ng kani-kanilang Lunar New Year, bukas.
Posted by: Robert Eugenio