Ibinaba na sa Low Pressure Area o LPA ang bagyong Basyang matapos itong humina, Miyerkules ng hapon.
Dahil dito wala nang mga lugar na nakataas ang tropical cyclone warning signal.
Pero ayon sa PAGASA may posibilidad na muling lumakas at bumalik bilang tropical depression ang bagyong Basyang.
Huling namataan ang LPA sa layong 200 kilometro ng timog timog-silangan ng Puerto Princesa City kung saan inaasahang magdadala ng bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Palawan.
Apektado naman ng northeast monsoon ang extreme Northern Luzon samantalang apektado ng buntot ng cold front ang eastern section ng Southern Luzon.
—-