Ipinaalala ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga barangay ang pinasusumite nitong annual report hinggil sa Sangguniang Kabataan funds bago mag-March 15.
Sinabi ni DILG OIC Eduardo Año na dapat matiyak na ginamit sa kapakanan ng mga kabataan ang pondong inilaan para sa SK.
Batay sa guidelines ng allocation and utilization of SK funds na inisyu ng COMELEC noong 2017, 10% ng general fund ng mga barangay na inilaan para sa SK ay gagamitin lamang para sa youth development at empowerment programs hanggang sa maihalal ang mga bagong opisyal ng SK.
Nakasaad din sa guidelines na ang SK funds ay dapat inilaan din para sa mandatory training ng mga opisyal.
Uubrang idaan ng mga barangay ang isusumite nilang report sa DILG sa National Barangay Operations Office at isang kopya sa National Youth Commission.
—-