Nagpaabot ng pakikiramay ang Malakaniyang sa mga naulila ng National Artist na si Napoleon Abueva na sumakabilang buhay kahapon sa edad na 88.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi matatawaran ang mga nai-ambag ni Abueva sa sining at kultura bilang tinitingalang iskultor sa bansa na hindi malilimutan ng mga Pilipino.
Pumanaw si Abueva kahapon sa NKTI o National Kidney Transplant Institute bunsod ng pakikibaka nito sa sakit na Pneumonia batay na rin sa pahayag ng anak nito na si Amihan.
Magugunitang isa sa mga pinakabatang nabigyan ng parangal si Abueva bilang pambansang alagad ng sining sa larangan ng panlililok o sculpture na nagbigay daan para makilala ang talento ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.
Ulat ni DWIZ Patrol Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio