Naging madamdamin ang pag-awit ng Pinay singer na si KZ Tandingan sa mandarin song na “Pain You Never Know” sa ikaanim na episode ng Chinese singing competition na “Singer 2018”.
Sa naturang performance, nakitang napaluha ang mga Chinese audience habang inaawit ni KZ ang naturang banyagang kanta.
Inamin ni KZ na ito na ang challenging na kanyang ginawa sa anim na taon niyang pagiging singer lalo’t mayroon lamang siyang dalawang linggo para aralin at matutunan ang kanta.
Samantala, pumang-anim si KZ sa naturang episode habang nanguna naman si Hua Chenyu na sinundan ni Jessie J na kumanta ng “Purple Rain’.
Sa kabila nito, pasok na bilang regular contender ng kompetisyon si KZ matapos nitong ma-secure ang ika-apat na puwesto sa average ranking kung saan nakatulong ang pangunguna nito noong episode 5 kung saan kanyang inawit ang ‘Rolling in the Deep.’
Para maging regular contender ng Singer 2018 dapat ay hindi bababa sa ika-apat na pwesto ang average ranking ng mang-aawit matapos ang kanyang second performance, bagay na nalagpasan na ni KZ.
—-