Balik twitter na muli ang young actress na si Liza Soberano matapos ang dalawang linggong pag-deactivate sa kanyang account.
Paliwanag ni Soberano, pansamantala niyang nilisan ang micro-blogging site dahil sa pagkadismaya sa awayan ng kanyang mga fan online.
Sinabi ni Soberano na minsan niya na ring naranasan ang ma-bash kaya’t ayaw niya itong maranasan din ng iba dahil sa masakit aniya ito sa kalooban.
Binigyang diin ni Liza na nais niyang i-promote ang kapayapaan at ayaw niyang manggaling sa kanyang fan group ang mga nangba-bash.
By Ralph Obina