Hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagbibigay ng Chinese names ng China sa ilang mga undersea features sa Benham Rise o Philippine Rise.
Ito ang iginiit ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaugnay ng naging hakbang ng China.
Ayon kay Cayetano nagpadala na sila ng pormal na pagtutol sa China hinggil sa nasabing usapin.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi kikilalanin ng Pilipinas ang ibinigay na pangalan ng China sa mga features sa Philippine Rise ay wala namang dapat ika-alarma ang bansa.
Iginiit ni Roque na sinabi ng china na kanilang nirerespeto at kinikilala ang sovereign rights ng Pilipinas sa Philippine Rise.
—-