Kumpiyansa ang hepe ng Philippine Navy na lalabas na ang katotohan sa kontrobersyal na frigate project ng militar.
Ito’y sa pagsisimula ng imbestigasyon ng Senado sa Lunes, Pebrero 19.
Ayon kay Navy Flag Officer in Command Rear Admiral Robert Empedrad, mapapatunayan na nilang wala talagang anomalya at walang nangialam sa pagbili ng militar ng computer systems para sa mga bagong barkong pandigma ng bansa.
Una nang lumabas noon sa mga ulat na nangialam umano si Special Assistant to the President Bong Go sa frigate deal.
Sisipot sa Lunes si Go sa imbestigasyon ng Senado pero pinayuhan siya ng Pangulo na huwag pumayag sa executive session.
Sinabi naman ng hepe ng Navy na posible silang humingi ng executive session sa Senado kapag pinag-usapan na ang detalye ng weapons system ng barko upang hindi ito malaman ng mga kalaban ng estado.
—-