Target ng binuong Consultative Committee on Cha -Cha o Charter Change na matapos ang pagbalangkas sa bagong saligang batas bago ang ikatlong SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hulyo.
Ayon kay Committee Chairman at Dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, nakatakda silang magtipon sa lunes para simulan na ang pag-aaral para sa pag-aamiyenda ng 1987 constitution.
Kung aaprubahan, sinabi ni Puno na mismong si Pangulong Duterte na anya ang maglalahad nito sa kongreso o constituent assembly para idaan sa ratipikasyon.
Pero inamin ni Puno na wala pa silang naiisip sa ngayon hinggil sa kung anong modelo ang kanilang susundan dahil magkaiba ang prosesong ginawa ng iba pang mga federal government tulad ng Amerika at mga bansa sa Europa.