Tiwala si Navy Flag-Officer-in-Command Rear Admiral Robert Empedrad na lalabas din ang katotohanan sa isasagawang pagdinig ng senado kaugnay ng isyu ng pagbili ng mga barkong pandigma ng Pilipinas.
Ito’y makaraang masangkot ang pangalan ni Special Assistant to the President Secretary Cristopher Bong Go na sinasabing nanghimasok umano sa naturang kontrata batay sa ulat ng online new site na Rappler.
Kaugnay nito, iginiit ni Emperdad na malinis at wala ni isa mang bahid ng anomalya sa pagbili ng navy ng mga barkong pandigma na na-plantsa na sa ilalim pa nang nakalipas na administrasyong Aquino.
Subalit binigyang diin ng navy chief na kinakailangan aniyang talakayin sa loob ng isang executive session kung ang pag-uusapan aniya ay ang weapon system ng mga biniling barko dahil ito’y isang confidential na usapin.