Isinalarawan ni Overseas Worker’s Welfare Administration Deputy Administrator Arnell Ignacio ang hirap na sinapit ng Overseas Filipino Worker na si Jonna Demafelis na natagpuan ang bangkay sa freezer sa Kuwait.
Ayon kay Ignacio hindi niya maintindihan kung bakit ginawa ito ng employer ni Demafelis sa kanya gayung nais lamang nitong maghanap-buhay upang makatulong sa kaniyang pamilya
Ang daming tama nung katawan, ‘yung kanyang right side, sa may ribs, punong puno ng pasa… ang lalaki ng tama, para siyang pinaddle, ‘yung likod niya, marami ring tama tas ‘yung labi niya parang hiwa hiwa. Paliwanag ni Ignacio
Tiniyak naman ni Ignacio na kumikilos na ang pamahalaan ng Kuwait sa paghahanap ng mga suspek na pumaslang sa OFW.
Bagaman hindi aniya taga Kuwait ang mga salarin ay hindi nagpapabaya ang kanilang otoridad sa paghahanap sa mga ito.
Dapat maiging hanapin ng Kuwaiti government itong suspek. Matatandaan natin na ang gumawa ng krimen na ito ay hindi Kuwaiti, Syrian at Lebanese. I think the Syrian and Lebanese government are also putting in efforts para mahanap ito. So I don’t think that it will take long time, hindi magtatagal eh mahahanap ‘yang salarin sa krimen dahil concerted efforts na ang ginagawa. Pahayag ni Ignacio
Ipinabatid din ni Ignacio na ginagawa na rin nila ang kanilang bahagi upang makatulong sa naulilang pamilya ni Demafelis.
Tinanong na namin sa pamilya, anong kailangan niyo? Binigyan namin na lahat iyan ay titiyakin namin, ‘yung bahay nila, aayusin natin, naghahanap na tayo ng paraan para makausap kung kanino nakasangla ‘yung kanilang lupa at ibabalik natin ‘yun lahat sa kanila, aside pa sa financial assistance na nakuha nila initially. Dagdag ni Igancio