Muling binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin ang Iran maging ang kaalyado nitong Syria sa paghahasik ng kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Netanyahu, hindi nila papayagan na mamayagpag sa Gitnang Silangan ang terorismo na pinangungunahan ng Iran.
Sa Munich Security conference sa Germany, inihayag ng Punong Ministro na hindi dapat hamunin ng Iran ang katatagan ng Israel.
Ipinakita pa ni Netanyahu ang isang bahagi ng Iranian drone na pinabagsak ng Israeli Air Force sa Syria bilang patunay na nagsasabwatan ang Syrian at Iranian government para sa paglulunsad ng mga pag-atake sa pinag-aagawang Golan Heights.
Samantala, nanindigan si Netanyahu na mananatiling teritoryo ng Israel ang Golan Heights at tiniyak na poprotektahan ito laban sa anumang pagsalakay ng Syria at Iran.
—-