Magpapadala bukas ng karagdagang tauhan ng ‘rapid response team’ ang Department of Foreign Affairs -Office of Migrant Workers Affairs o DFA-OMWA sa Kuwait.
Ito ay kaugnay sa nalalapit na pagsasara ng amnesty program sa nasabing bansa sa Middle East.
Ayon sa DFA, makikipagtulungan ang assistance-to-nationals team mula sa embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa pag-proseso ng mga kaukulang dokumento ng mga Pinoy na nais nang umuwi ng bansa.
Sa Huwebes, Pebrero 22 nakatakdang magsara ang ‘amnesty program’ para payagang makalabas ng bansa ang mga ‘overstaying foreign worker’, kabilang ang mga Pinoy na iligal na nagtatrabaho doon.
—-