Halos 30 porsyento ng mga customer ng Maynilad at Manila Water ang makakaranas ng kakaunting suplay ng tubig simula sa susunod na linggo.
Kasunod na rin ito ng epekto ng El Niño na tatagal hanggang sa May 2016.
Ayon sa Manila Water, siyam na porsyento o 125,000 kabahayan ang makakaranas ng kakulangan sa supply ng tubig sa loob ng 12 oras kada araw.
Samantala, 18 porsyento ng Maynilad customers o 230,000 kabahayan ang magkakaroon ng hindi maayos na water supply.
Pinayuhan din ng Maynilad at Manila Water ang kanilang customers na huwag munang mag-imbak ng tubig at hintayin ang kanilang abiso, isa o dalawang araw bago ang water interruption.
By Judith Larino