Umalma ang grupong Bantay Bigas sa plano ng NFA o National Food Authority na taasan ang presyo ng kanilang ibinebentang bigas.
Ayon kay Cathy Estavillo tagapagsalita ng nabanggit na grupo, ang pagbebenta ng 32 Pesos na kada kilo ng NFA Rice ay katumbas ng pagtaas ng 20 porsyento sa kasalukuyang presyo ng murang bigas.
Giit pa ni Estavillo na nabigo ang NFA Rice na gampanan ang mandato nito na bilhin ang 10 porsyento ng kabuuang bigas mula sa lokal na produksyon sa bansa kaya limitado na lamang aniya ang stock ng ahensya.
Magugunitang sinabi ni NFA Director Rex Estoperez na itataaas na ang kasalukuyang 27 Pesos na halaga ng NFA Rice.
Posted by: Robert Eugenio