Pinag-sabihan ni Bayan Secretary General Renato Reyes si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na humingi man lang ng paumanhin sa mga napeperwisyo ng araw-araw na nararanasang aberya sa MRT-3.
Sa pagdinig ng Senado ukol sa estado ng MRT, pinuna ni Reyes ang tila hindi pagpapakita ng malasakit sa mga mananakay na madalas na napipilitang maglakad sa riles ng MRT kapag tumitirik ang tren.
Dagdag pa ni Reyes hindi rin umano niya kailanpaman nabalitaan na binisita ni Tugade sa nakalipas na isang taon ang MRT upang makita nito ang tunay na sitwasyon.
Hinanap din nito si MRT General Manager Rodolfo Garcia na aniya’y dapat rin na madinig na humingi ng paumanhin at magpaliwanag sa kalbaryong kinakaharap ng mga mananakay ng MRT.
Posted by: Robert Eugenio