Idineklara ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF ang Pakistan bilang pinaka-mapanganib na bansa sa buong mundo para sa mga bagong silang na sanggol.
Batay sa datos ng UNICEF sa isanglibong (1,000) sanggol na ipinapanganak sa Pakistan, apatnaput anim (46) dito ang agad na namamatay.
Paliwanag ng ahensya, kulang ang Pakistan ng mga may kakayahang magpa- anak o skilled midwives kaya hindi nakakatanggap ng tamang atensyon ang mga inang magsisilang.
Pumangalawa naman sa pinakamapanganib na bansa para sa mga sanggol ang Africa habang nasa pangatlong puwesto ang Afghanistan.
Samantala, nangunguna naman sa listahan ng pinakaligtas na bansa para sa mga bagong silang na sanggol ay Japan, pumangalawa ang Iceland at sumunod ang Singapore.
—-