Arestado ng Malaysian Police ang sampu (10) katao kabilang ang pitong (7) Pinoy na pinaghihinalaang katuwang sa mga kilusan sa Sabah at Pilipinas kung saan madalas nagkakanlong ang Islamic insurgency.
Ayon sa ulat pinaniniwalaang isa sa mga naarestong Pinoy ay ang senior leader ng Abu Sayyaf na 27-anyos habang isang Pinoy din ang umano’y nag-aasikaso sa daanan ng mga banyaga para sumali sa Islamic State.
Naaresto ang nasabing 10 katao na hindi pa pinanglanan sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagitan ng Enero 25 at Pebrero 6.
Batay sa impormasyon mula sa 10 suspek, may plano umanong magtayo ang Abu Sayyaf ng selda sa Sabah.
—-