Sumiklab ang isang word war sa pagitan nila Davao City Mayor Sarah Duterte – Carpio at House Speaker Pantaleon Alvares.
Ito’y makaraang kuwesyunin umano ni Alvarez ang itinatag na partido ng alkalde na tinawag na HNP o Hugpong ng Pagbabago na aniya’y maituturing na bahagi na ng oposisyon.
Sa kaniyang Instagram Post, inupakan ng mura ng Alkalde si Alvarez na dapat aniyang isinusumbong sa Pangulo ang mga gawain nito sabay pagsasabi na maling babae ang kinaharap ng speaker.
Sagot naman ni Alvarez, hindi niya inaakusahan si Mayor Duterte – Carpio na bahagi na ng oposisyon sa halip ay iginagalang nga niya ang itinatag na bagong partido ng batang Duterte.
Paglilinaw naman ni Duterte – Carpio, may basbas ni Pangulong Duterte ang itinatag niyang partido at hinamon pa si Alvarez na ipasa ang Anti-Political Dynasty Law kung sa tingin nito ay bunga niyon ang kaniyang naging hakbang.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio