Ipinauubaya na ng Malakaniyang sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan kung pagbabawalan din ng mga ito na mag-cover sa kanila ang mga reporter ng online news site na Rappler.
Ayon iyan kay Presidential Spokesman Harry Roque makaraang tuluyan nang ipagbawal sa Malacañang Complex ang Rappler Reporter na si Pia Ranada – Robles.
Kahapon, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na maaari lamang makabalik sa Palasyo si Ranada – Robles kung makasusunod na ang Rappler sa mga itinatadhana ng batas hinggil sa pagmamay-ari ng isang media entity.
Binigyang diin pa ng Pangulo na tila pareho ang istilo ng Rappler at ng CIA o Central Intelligence Agency ng Amerika na ang layunin ay pabagsakin ang sinumang lider sa mundo na hindi umaayon sa kanilang interes.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio