Muling pinawi ng Malacañang ang pangamba ng ilang kritiko ng administrasyon sa posibilidad na ibagsak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa ang batas militar o di kaya’y revolutionary government.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala aniyang pangangailangan sa ngayon para sa Pangulo na gawin ang mga gayung hakbang dahil nananatiling matatag ang demokrasya sa Pilipinas.
Kasunod nito, ipinaliwanag naman ni Roque ang kaniyang naging sagot kahapon nang hingan ito ng reaksyon hinggil sa ulat ng US Intelligence Community Assessment na banta umano sa demokrasya sa Timog Silangang Asya ang Pangulo.
Giit ni Roque, sumasagot lamang siya sa tanong ng mga mamamahayag hinggil sa naturang isyu na kalauna’y lumabas na peke o hindi pala totoo ang naturang assessment mula sa United States Intelligence Community.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio