Ikinakasa na ng DOH o Department of Health ang isasampa nilang class suit laban sa kumpaniyang Sanofi-Pasteur kaugnay ng kontrobersyal na anti-Dengue vaccine na Dengvaxia.
Ito’y ayon kay Health Secretary Francisco Duque III makaraang matanggap na ang pormal na liham mula kay Sanofi Vice President at Asia Pacific Head Tomas Triomphe na naninindigang hindi irerefund ang halaga ng mga bakunang nagamit.
Nakasaad din sa naturang liham ni Triomph kay Duque na hindi rin sila maglalaan ng indemnity fund para sa mga magkakasakit ng Dengue matapos maturukan ng nasabing bakuna.
Ayon kay Duque, nakalulungkot aniya na mismong ang Sanofi pa ang siyang nagtatago ng mga datos hinggil sa panganib na dulot ng bakuna sa tao nang bilhin ito sa kanila ng nakalipas na administrasyon at iturok sa mahigit 700,000 kabataan.
Posted by: Robert Eugenio