Mahigpit na ring binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources ang Mount Sto. Tomas Forest Reserve sa Tuba, Benguet.
Ayon kay Ronnie Batongan, ang Officer-In-Charge ng enforcement division ng DENR-CAR, inilabas ang kautusan upang mapangalagaan ang lugar.
Taong 2015 nang ilabas ang Permanent Environmental Protection Order para sa Mt. Sto Tomas at upang maiwasan at malimitahan ang pagdagsa ng mga turista lalo’t ikinukunsidera ang naturang bundok bilang reservation na pag-aari ng gobyerno.
Maraming turista ang nagnanais na makapunta sa Sto. Tomas simula ng sumikat ito bilang “La Presa”, ang lugar kung saan umikot ang storya ng isang teleserye sa isang TV Network.
Posted by: Robert Eugenio