Pinaka-kansela na rin ng FDA o Food and Drug Administration ang lisensya ng isang botika ng Belo Medical Group o BMG sa Muntinlupa City.
Ito ay kasunod ng pagpapasara ng klinika sa loob ng nasabing botika matapos tumangging magpa inspeksyon at makakita ng mga hindi rehistradong produkto na kanilang ibinebenta.
Ayon sa FDA Regulatory Enforcement Unit, bukod sa mga nasabing paglabag nadiskubre pa ng ahensya ang kawalan ng direct supervision ng isang registered pharmacist sa tindahan ng gamot.
Napansin din na hindi na naka-display pa ang Professional Regulatory Commission License Board Certificate ng pharmacist na siyang ipinag uutos ng batas.
Posted by: Robert Eugenio