Sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Department of Justice (DOJ) ang Golden Donuts Incorporated na pagmamay-ari ng pamilya Prieto.
Ito’y dahil sa pag-iwas ng nasabing kumpaniya na magbayad ng karampatang buwis sa pamahalaan na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso para sa taong 2007.
Ang Golden Donuts Incorporated ang exclusive franchisor at license grantee ng kilalang donut company na Dunkin Donuts sa Pilipinas.
Dawit din sa naturang kaso ang lahat ng mga opisyal ng nasabing kumpaniya partikular na ang pangulo na si Walter Spakowski, treasurer na si Miguel Prieto, chief finance officer na si Pedro Paraiso at vice president for finance and administration na si Jocelyn Santos.
Ayon sa BIR, hindi idineklara ng Golden Donuts ang 39 na porsyento ng kabuuang kita sa kanilang 2007 Annual Income Tax Return at lumabas ding tampered o dinoktor ng naturang kumpaniya ang ilan sa mga inilabas na invoice ng iba’t ibang suplayer nito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio