Tinatayang nasa 51.6 Bilyong Piso ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng Marawi City matapos itong masira ng bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at Maute ISIS Group nuong nakaraang taon.
Ayon kay Office of Civil Defense Deputy Administrator Kristoffer James Purisima, nasa 10 Bilyong Piso ang inilaang pondo ngayong taon para sa rehabilitasyon ng Marawi.
Sinabi ni Purisima na inaasahang tatagal ang rehabilitasyon sa Marawi hanggang 2022 sa ilalim ng Comprehensive Rehabilitation Recovery Program.
Samantala, nakatakda pang magpatayo ang pamahalaan ng may 6,400 temporary shelters at 2,700 permanent shelters para sa lumikas na residente ng Maranao.
Posted by: Robert Eugenio