Hinimok ng isang kongresista ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na siyasatin ang mga pribadong eroplano at yate.
Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert ‘Ace’ Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, nakatanggap siya ng impormasyon na idine-deliver ang mga drug shipments sa pamamagitan ng private aircraft at sea vessels.
Dahil dito, mahalaga umanong i-monitor ng PDEA, Philippine National Police, Department of Transportation at National Bureau of Investigation ang mga kargamentong ito upang agad na mapigil.
Dapat din aniyang bantayan ang mga pribadong resorts at iba pang tourist spots dahil maaaring gumagamit ng droga ang mga turista, lalo pa’t malayo ito sa istasyon ng pulisya o law enforcement agencies.
—-