Matatanggap na ng mahigit pitong (7) milyong pinakamahirap na pamilya sa buong bansa ang ‘unconditional cash transfer’ mula sa pamahalaan.
Sinabi ng Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para maipamahagi na ang tig-dalawang daang piso (P200) sa bawat isang benepisyaryo.
Kabilang sa mga makatatanggap sa nasabing halaga ay ang mahigit apat na milyong benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at tatlong milyong mga indigent senior citizens.
Ang nasabing halaga ay dagdag na ‘cash subsidy’ sa pinakamahihirap na pamilya para makatulong sa epekto ng ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o ‘TRAIN Law’.
—-