Kapwa iimbestigahan ng Committees on Environment and Natural Resources gayundin ng Tourism and Finance ang epektong dulot ng polusyon sa isla ng Boracay sa Marso 2.
Bago iyan, inihayag sa DWIZ ni Environment Committee Chairman Cynthia Villar na magsasagawa muna sila ng pag-iinspeksyon sa lugar para personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon doon.
Kabilang sa mga makakasama ni Senadora Villar ay sina Senadora Nancy Binay at loren legard maging sina Senador Sonny Angara, JV Ejercito at Richard Gordon.
Tatalakayin dito ‘yung policies ng Boracay, kasi ito ba ay dapat nang iwanan na lang sa local government o magkaroon pa ng isang administration kasi in some areas, like Intramuros, may Intramuros Administration, tapos may Rizal Park Administration, kaya ba ng local government na iimplement ‘yung mga regulations o kailangan pang mag-create ng isa pang administration to manage Boracay. Paliwanag ni Villar
Aminado si Villar na laging nagkakaroon aniya ng problema sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas hinggil sa kalikasan kaya’t titingnan nila ang mga kinakailangang batas para mapalakas sa pamamagitan ng ammendments.
Titingnan namin kung ‘yung mga napasang batas would be enough and then kung ang problema lang ba ay ‘yung implementation. Sa nangyayari kasi ngayon ang parating problema ay ‘yung implementation of the laws. Pahayag ni Villar
Paggiba sa ilang istruktura sa isla ng Boracay, sinimulan na
Kahapon, kusang ipinagiba ng isa mga resort owner sa naturang isla na si Crisostomo Aquino ang viewdeck nito sa ibabaw ng rock formations na sakop ng west cove resort na nasa Barangay Balabag.
Nadiskubre rin ni Environment Secretary Roy Cimatu na walang permit ang pagtatayo sa nasabing viewdeck kaya’t nararapat lamang itong ipagiba dahil nasira nito ang rock formation na isang natural resource sa lugar.
Lumabas din na binigyan ng DENR ang west cove ng forest land agreement for tourism purposed permit para sa siyamnaraan at siyamnapu’t walong metro kuwadradong forestland sa isla ngunit kinansela.
Kasalukuyan itong nakabinbin sa Office of the President sa Malacañang, makaraang maghain ng apela hinggil dito ang may-ari ng resort.