Nakatakdang magsagawa agad ng patrolya sa Philippine Rise ang paparating na bagong barko ng PCG o Philippine Coast Guard mula sa Japan.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, papangalanan ang naturang barko ng “B.R.P Cape San Agustin” na inaasahang darating sa Maynila sa araw ng Huwebes, Marso 01.
Agad umanong pinaghahandaan ang commissioning ceremony ng bagong barko upang ma-i-deploy agad sa Philippine Rise.
Ito ay ang ikapitong multi-role research vessel na bahagi ng kabuuang sampung unit na binubuo ng Japan Marine United Corporation sa ilalim ng Official Development Assistance Project ng Japan.
Kasalukuyang naka-deploy na ang mga naunang barkong dumating tulad ng B.R.P Suluan na nasa naturang teritoryo rin.
Ang deployment ng mga barkong ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bantayan ang Philippine Rise laban sa mga foreign vessels na namamalaot sa katubigang bahagi ng Philippine Rise.
Posted by: Robert Eugenio