Pinangunahan ni Vice President leni ROBREDO ang paggunita sa ika 32 anibersaryo ng People Power Revolution sa Naga City.
Isang misa at iba’t ibang aktibidad ang idinaos sa Naga City kaugnay ng pag-gunita sa mapayapang pagtitipon-tipon ng mga Pilipino na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kasabay nito, hinikayat ni Robredo ang mga Pilipino na makibahagi sa paggunita at patuloy na alalahanin ang aral mula sa EDSA People Power Revolution.
Samantala, nagsagawa rin ng mga aktibidad kaugnay sa anibersaryo ng People Power Revolution sa Pampanga, Pangasinan, Quezon Province, Cebu at Siargao.
Posted by: Robert Eugenio