Ikinakasa na ng mga mambabatas sa Iceland ang batas na magbabawal sa pagpapatuli sa mga batang lalaki nang walang medical reason.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang pagpapatuli sa mga batang lalaki lalo ang mga bagong ipanganak ay katumbas ng female genital mutilation at may katapat na parusang anim na taong pagkaka-bilanggo.
Ipinunto ng parliyamento ng Iceland na hindi dapat sapilitan ang circumcision lalo sa mga sanggol dahil labag ito sa karapatang pantao.
Umani naman ng batikos mula sa mga Muslim at Hudyo sa Europa ang planong circumcision ban sa Iceland at iginiit na isa itong pag-atake sa religious freedom.
Hindi pangkaraniwan ang pagpapatuli sa Iceland kung saan karamihan sa mga mamamayan ay Lutheran at Atheist o walang relihiyon.
—-